

30 minutes. Maraming pwedeng mangyari sa loob ng 30 minutes diba? Kunwari nasa jeep ka, tapos natrapik ka for 30 minutes, anong gagawin mo para hindi ka mabore? Matutulog? Soundtrip? Maglalaro sa cellphone?
Ilang beses nakong natrapik, Francis. Hindi ko na mabilang. Pero kanina, 30 minutes na nakakalipas, sa loob ng mabilis na oras, minahal kita, Francis. Minahal kita.
Pero ayokong maging substitute sa babaeng mahal mo, Francis. Ayoko. Ayokong maging isang alaala na nakatitig lang sayo sa araw-araw na ginawa ng Diyos. Gusto kong kahit minsan, mahalin mo ko. Kahit sa nalalabing limang minuto bago umandar ang sasakyan, mahalin mo ko.
Kahit saglit lang, bago ka bumaba.
- Excerpt from Minsan Ako Si Madonna (delivered by Jersey Santiago, TDG Book 1 Chapter 30)
(Source: thedespicableguy, via halfofacrazybitch)